Sinagot sa survey ang tanong na, “Gaano kayo naniniwala sa akusasyon ng ibang mga bansa na hindi ibinahagi kaagad ng China sa buong mundo ang impormasyon nila ukol sa COVID-19 tulad ng kalubhaan ng sakit at bilang ng mga namatay sa China dahil sa virus na ito?”
Lumabas sa survey na 61 porsyento ang naniniwala kung saan 28 porsyento ang “strongly believe” at 33 porsyento ang “somewhat believe.”
Nasa 23 porsyento naman ang hindi naniniwala kung saan 13 porsyento ang “somewhat NOT believe” at 10 porsyento ang “strongly NOT believe” habang 15 porsyento naman ang “undecided.”
Sinabi ng SWS na ‘very strong’ ang lumabas na Net Belief score sa lahat ng lugar sa bansa.
Naitala ang pinakamataas na datos sa Visayas na may +43, sumunod ang Metro Manila na may +41, Mindanao na may +38, at Balance Luzon na may +35.
Samantala, 77 porsyento naman sa mga Filipino ang sang-ayon na dapat panagutin ang China sa hindi pagbabahagi ng impormasyon sa pandemya habang 15 porsyento ang hindi sang-ayons at 7 porsyento ang “undecided.”
Isinagawa ang 2020 National Mobile Phone Survey was a probability-based survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviewing (CATI) sa 1,555 Filipino adults na may edad 18 pataas sa buong bansa.