3 sa 5 Pinoy, naniniwalang hindi agad ibinahagi ng China ang impormasyon ukol sa COVID-19 – SWS

By Angellic Jordan July 14, 2020 - 02:05 PM

Nasa tatlo sa limang Filipino ang naniniwalang hindi agad ibinahagi ng China ang impormasyon ukol sa COVID-19, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sinagot sa survey ang tanong na, “Gaano kayo naniniwala sa akusasyon ng ibang mga bansa na hindi ibinahagi kaagad ng China sa buong mundo ang impormasyon nila ukol sa COVID-19 tulad ng kalubhaan ng sakit at bilang ng mga namatay sa China dahil sa virus na ito?”

Lumabas sa survey na 61 porsyento ang naniniwala kung saan 28 porsyento ang “strongly believe” at 33 porsyento ang “somewhat believe.”

Nasa 23 porsyento naman ang hindi naniniwala kung saan 13 porsyento ang “somewhat NOT believe” at 10 porsyento ang “strongly NOT believe” habang 15 porsyento naman ang “undecided.”

Sinabi ng SWS na ‘very strong’ ang lumabas na Net Belief score sa lahat ng lugar sa bansa.

Naitala ang pinakamataas na datos sa Visayas na may +43, sumunod ang Metro Manila na may +41, Mindanao na may +38, at Balance Luzon na may +35.

Samantala, 77 porsyento naman sa mga Filipino ang sang-ayon na dapat panagutin ang China sa hindi pagbabahagi ng impormasyon sa pandemya habang 15 porsyento ang hindi sang-ayons at 7 porsyento ang “undecided.”

Isinagawa ang 2020 National Mobile Phone Survey was a probability-based survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviewing (CATI) sa 1,555 Filipino adults na may edad 18 pataas sa buong bansa.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, sws survey, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.