Panukala para taasan ang sahod ng government doctors inihain sa Kamara

By Erwin Aguilon July 14, 2020 - 12:11 PM

Isinusulong sa Kamara ang panukala upang mabigyan ng mas mataas na sahod ang mga doktor at nurse ng gobyerno.

Base sa House Bill 7053 na inihain ni Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez nais nito na taasan mula sa salary grade 21 patungo sa salary grade 24 ang entry level government doctors o mula sa P59,353 na kasalukuyang sweldo ay magiging P85,074 na ang buwanang sahod.

Ang mga government nurses naman ay itataas sa salary grade 16 mula sa salary grade 11 o magiging P35,106 na ang entry level na sahod mula sa kasalukuyang P22,316.

Bukod dito, bibigyan din ng P5,000 na buwanang hazard allowance na exempted sa pagbabayad ng buwis; P75 allowance sa kada meal; P500 laundry at clothing allowance; P1,250 rice subsidy allowance; special longevity pay na katumbas ng isang buwang sweldo kada 10 taon ng serbisyo; at special risk allowance na 25% ng monthly basic salary.

Ang pagtaas anya sa sweldo ay layong mapalakas ang local health care system sa gitna ng COVID-19.

Ipinapanukala rin ng mambabatas na mabigyan ang mga ito ng P100,000 na compensation kung sila ay magkasakit habang sila ay naka-duty at P1 million naman kung sila ay masasawi sa gitna ng kanilang pagseserbisyo.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, government doctors, Health, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Salary, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, government doctors, Health, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Salary, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.