Hustisya sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Sulu ipinangako ni Pangulong Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na lalabas ang katotohanan sa pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong June 29.

Sa talumpati ng pangulo sa Sulu, sinabi nito na inatasan na niya ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Tinutukoy ng pangulo ang mga napatay na sundalo na sina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco at Corporal Abdal Asula.

Pangako ng pangulo, mabibigyan ng hustisya ang apat na sundalo.

Ano man aniya ang kalabasan ng imbestigasyon, pumabor man o hindi sa militar o mga pulis, ang tiyak ay lalabas ang katotohanan at hustisya.

“I assure you that I will see to it that the truth will come out be it in favor of the police or the military. Ang hinihingi ko lang ang totoong nangyari,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na isang isolated na insidente ang nangyari sa Jolo na hindi na kailangan na umabot na magkaroon ng pagkamuhinsa isat isa ang mga pulis at mga sundalo.

 

 

Read more...