Mga bumoto para hindi na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ipinalalabas sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon July 14, 2020 - 10:41 AM

Ipinalalabas ng ilang nga kongresista sa House Committee on Legislative Franchises ang pangalan ng mga bumotong hindi pabor sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus kailangang malaman kung sino ang mga bumoto ng YES sa committee report na huwag i-renew ang prangkisa ng network.

Ito aniya ay para sa transparency at impormasyon ng lahat sa nasabing usapin na kinakaharap ng bansa.

Giit ni Rodriquez, “I call for the official release of the 70 members who voted yes. This is for transparency and information to all on this very important issue facing our country today”.

Naniniwala naman si House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na walang dahilan upang hindi ilabas ang listahan dahil bahagi ito ng proceedings na nangyari.

Karapatan anya ng publiko na malaman ang boto ng kanilang nga kinatawan sa kongreso.

“No reason at all to withhold release of the list as it is part of an official public proceedings. The principles of transparency and accountability dictate that the public be informed how theirs representatives voted on this very crucial issue,” ani Zarate.

Hihilingin naman ni Albay Rep. Edcel Lagman kay House Secretary General Jose Luis Montales na maglabas ng certified true copy ng resulta ng botohan.

 

 

 

TAGS: ABS-CBN, franchise, franchise renewal, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, franchise, franchise renewal, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.