Oligarchy binuwag ni Pangulong Duterte kahit hindi nagdedeklara ng martial law

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabuwag niya ang oligarchy sa bansa nang hindi nagdedeklara ng Martial Law.

Sa talumpati ng pangulo sa mga sundalo sa Jolo Sulu kahapon, sinabi nito na mas magiging madugo pa ang kanyang kampanya laban sa mga oligarchs sa natitirang dalawang taong panunungkulan sa Malakanyang.

Ayon sa pangulo, masaya siya na mamatay dahil nabuwag niya ang oligarkiya sa bansa na matagal nang ginagatasan ang gobyerno pati na ang mga Filipino.

“Ganun nila nilaro ang bayan ko. Kaya ako mamatay, mahulog ang eroplano, I am very happy. Alam mo bakit, without declaring martial law I dismantled the oligarchy that controlled the economy and the Filipino people,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng pangulo na sinira niya ang mga taong humawak sa ekonomiya ng bansa.

“Without declaring martial law, sinira ko ‘yung mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit at hindi nagbabayad. They take advantage sa kanilang political power,” pahayag ng Pangulo.

Una nang binatikos ni Pangulong Duterte ang mga Ayala at Pangilinan na may ari ng Maynilad at Manila Water na ilang taon na umanong ginatasan ang taong bayan dahil sa sobrang paniningil sa tubig.

 

 

 

 

Read more...