LOOK: Maraming lugar barangay sa Cavite walang suplay ng tubig hanggang alas 12:00 ng hatinggabi

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2020 - 10:06 AM

Nakararanas ngayon ng water service interruption ang maraming mga barangay sa Cavite.

Ayon sa inilabas na abiso ng Maynilad low pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig ang nararanasan na sa maraming mga barangay sa Cavite City, Imus City, Kawit Cavite, Noveleta Cavite, at Rosario Cavite.

Mararanasan ito hanggang alas 12:00 ng hatinggabi mamaya.

Ang service interruption ay dahil sa nararanasang mataas na demand ng tubig sa PAGCOR Pumping Station ng Maynilad.

Narito ang mga lugar sa Cavite na maaapektuhan:

Samantala, simula mamayang alas 12:00 ng tanghali mawawalan din ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Parañaque City.

Tatagal ang interruption hanggang ala 1:00 ng madaling araw bukas, July 15.

Ito ay dahil naman sa maintenance activity ng Maynilad sa Putatan Water Treatment Plant.

 

 

TAGS: Cavite City, Imus City, Inquirer News, Kawit Cavite, maynilad, News in the Philippines, Noveleta Cavite, Radyo Inquirer, rosario cavite, Tagalog breaking news, tagalog news website, water service interruption, Cavite City, Imus City, Inquirer News, Kawit Cavite, maynilad, News in the Philippines, Noveleta Cavite, Radyo Inquirer, rosario cavite, Tagalog breaking news, tagalog news website, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.