COVID-19 vaccine trial ng Thailand sa unggoy naging matagumpay
Matagumpay ang COVID-19 vaccine trial ng isang research team sa Thailand na lumilikha ng bakuna panlaban sa sakit.
Ginawa ang vaccine trial sa mga unggoy at sa katapusan ng taon ay inaasahang maisasagawa na ang human testing nito.
Ang Chula-Covid19 vaccine ay isang mRNA vaccine na gawa sa genetic material gamit ang bagong strains ng coronavirus.
Kapag nai-inject sa katawan ng tao, magtatransform ito bilang protina at bubuo ng antibodies panlaban sa virus.
Sa ginawang testing, bawat unggoy na tumanggap ng bakuna ay umabot sa very high ang level ng immunity.
Paghahandaan na ngayon ng grupo ang paglikha ng 10,000 doses para sa mga magiging volunteer na sumailalim sa human trial.
Sa sandaling maging matagumpay ang human trial inaasahang magiging available ang bakuna sa third o fourth quarter ng 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.