Teenager arestado sa Pasig matapos mahulihan n P2.4M na halaga ng shabu

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaking teenager sa ikinasang buy-bust sa Pasig City.

Nadakip ang suspek sa kanto ng Urbano Street at Velasco Avenue sa Barangay Pinagbuhatan.

Nakuha sa kaniya ang tinatayang 300 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa P2.4 million ang halaga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

Read more...