Nagsasagawa ngayon ng search operations ang mga air transport officials ng bansang Nepal makaraang maiulat na nawawala ang isang maliit na eroplano na pag-aari ng Tara Air.
Kaninang umaga ay lumipad ang nasabing eroplano sa bayan ng Pokhara papuntang Jomson nang mawalan ito ng contact sa air traffic controller walong minuto matapos mag-take-off.
Tatagal lamang sana ng 20-minutes ang nasabing biyahe na kadalasang sinasakyan ng mga trekkers na umaakyat sa Himalayas mountain range.
Sinabi ng tagapagsalita ng Tara Air na dalawampu’t isa ang sakay ng eroplano na kinabibilangan ng 19 passengers at tatlong crew.
Nilinaw din ng Tara Air na bago ang nasabing eroplano na kanilang binili sa Canada noon lamang nakalipas na Setyembre.
Sinasabi sa paunang report ng mga otoridad na maayos din ang lagay ng panahon ng lumipad ang nasabing eroplano.