Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 13.2 million na

Umakyat na sa mahigit 13.2 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 13,229,695 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng halos 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,479,483.

Ang South Africa ay nakapasok na sa top 10 na mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos maungusan na ng South Africa ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa Iran.

Patuloy din ang pag-akyat ng Pilipinas sa hanay ng mga bansang apektado ng COVID-19.

Mula sa dating nasa pang-39 o pang-38 ay pang-33 na ngayon ang Pilipinas sa mga bansa sa dami ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,887,959
India – 907,645
Russia – 733,699
Peru – 330,123
Chile – 317,657
Spain – 303,033
Mexico – 299,750
UK – 290,133
South Africa – 287,796

 

 

Read more...