Pangulong Duterte pinayuhan si Sara Duterte na huwag pasukin ang pagiging presidente ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2020 - 09:05 AM

AFP PHOTO

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag tumakbong presidente ng bansa.

Sa kaniyang talumpati sa Sulu, ikinwento ng pangulo na sinabihan niya si Mayor Sara na wala itong mapapala kung magiging presidente ng Pilipinas.

Maliban sa pagod dahil sa pagpunta sa malalayong lugar, wala aniyang ibang makukuha si Sara kung magiging pangulo ito ng bansa.

“Kung ambisyon lang lay off, wala kang mapala diyan, pagod lang,” ayon sa pangulo.

Dagdag pa ng pangulo, baka mas malaki pa nga ang sweldo ng ilang general kaysa sa tinatanggap niyang sweldo bilang presidente.

“Unless you are driven by patriotism, gusto mo talaga mag-service sa bayan mo,” dagdag pa ng pangulo.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.