Ilang barangay sa QC at Caloocan 9 na oras mawawalan ng suplay ng tubig

Dahil sa mabilis na pagbaba ng water level sa water reservoirs ng Maynilad magpapatupad ng service interruption sa ilang barangay sa Quezon City at Caloocan.

Sa abiso ng Maynilad, mararanasan ang water service interruption mula ala 1:00 ng hapon ngayong araw (July 14) hanggang alas 9:00 ng gabi (July 14).

Narito ang mga apektadong lugar:

Caloocan:
Brgy. 161

Quezon City:
Bahay Toro
Sangandaan
Sauyo
Talipapa
Tandang Sora

Ayon sa Maynilad, ang nasabing mga lugar ay makararanas ng mahina hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig.

 

 

Read more...