Otoridad kinumpirmang katawan ni Glee actress Naya Rivera ang natagpuang walang buhay sa Lake Piru

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2020 - 08:38 AM

Matapos na iulat na nawawala, natagpuan na ang katawan ni “Glee” actress Naya Rivera.

Kinumpirma ng mga otoridad na katawan ni Rivera ang natagpuan walang buhay sa Lake Piru malapit sa Los Angeles.

Si Rivera kasama ang kaniyang apat na taong gulang na anak na lalaki ay nagrenta ng bangka.

Nawala na lamang bigla si Rivera habang ang bata ay nakitang ligtas at natutulog sa bangka.

Sa pahayag ng bata, siya at kaniyang ina ay nag-swimming pero bigla na lamang umano nawala ang kaniyang ina.

 

 

TAGS: glee, lalke piru, Los Angeles, Naya Rivera, glee, lalke piru, Los Angeles, Naya Rivera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.