Bagyong Carina nakatawid na ng Balintang Channel; Signal No. 1 nakataas sa Batanes
Nakatawid na sa Balintang Channel ang bagyong Carina at ngayon ay papalapit na sa Bashi Channel at sa southern portion ng Taiwan.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 95 kilometers west ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa blis na 25 kph sa direksyong northwest.
Nananatiling nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.
Ang bagyo ay maghahatid pa rin ng kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Norte.
Inaasahang hihina ang bagyo at magiging isang Low Pressure Area na lamang.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.