Bahay ng mga COVID-19 positive sa Taytay, Rizal isasailalim sa total hard lockdown
Magpapatupad ng total hard lockdown sa bahay ng mga COVID-19 positive sa Taytay, Rizal.
Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, kapag mayroong nagpositibo sa COVID-19 ang bahay nito ay sasailalim sa 14 na araw ng hard lockdown.
Ibig sabihin, ang mga nakatira sa naturang bahay ay hindi papayagang lumabas habang ang pasyenteng nagpositibo ay nasa quarantine facility naman.
Ang mga pamilya na nasa bahay na apektado ng hard lockdown ay hahatiran ng suplay ng pagkain.
Pagkakalooban din sila ng tulong-pinansyal habang umiiral ang lockdown sa kanilang bahay.
Paliwanag ni Gacula, per bahay ang gagawing lockdown at hindi buong Taytay ang isasailalim sa lockdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.