outbrain

Russell Westbrook ng Houston Rockets positibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2020 - 07:34 AM

Nagpositibo si Houston Rocket guard Russell Westbrook sa COVID-19.

Kinumpirma mismo ito ni Westbrook sa post sa kaniyang Instagram.

Ayon sa NBA player, paalis na sana siya patungong Orlando, Florida para sa muling pagsisimula ng NBA nang malaman niya ang resulta.

Sinabi ni Westbrook na maayos naman ang kaniyang kondisyon at ngayon ay naka-quarantine siya.

Umaasa siyang makaka-recover at makalalahok sa game sa sandaling gumaling sa sakit.

Sa huli sinabi ni Westbrook na dapat seryosohin ang sakit at laging magsuot ng mask.

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, NBA player, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Russell Westbrook, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, NBA player, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Russell Westbrook, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.