Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 682 na
Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Lunes, July 13, 3PM), nakapagtala ng 32 na bagong kaso kaya umabot na sa 682 ang bilang ng active cases sa lalawigan.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 133
San Pedro (BJMP) – 42
Biñan (Larger Community) – 217
Biñan (BJMP) – 11
Santa Rosa – 96
Calamba – 53
Los Baños – 12
Cabuyao – 50
San Pablo – 17
Santa Cruz – 4
Bay – 9
Calauan – 17
Alaminos – 5
Victoria – 2
Nagcarlan – 6
Liliw – 2
Pagsanjan – 1
Majayjay – 1
Cavinti – 1
Magdalena – 1
Rizal – 1
Mabitac – 1
Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 65.
Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 642.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,389.
Samantala, nasa 2,666 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.