General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 36 kilometers northeast ng bayan ng General Luna, alas-2:59 madaling araw ng Martes (July 14).

May lalim na 13 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...