Sarangani, Davao Occidental niyanig ng tatlong magkakasunod na lindol sa magdamag
Niyanig ng tatlong magkakasunog na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.0 na pagyanig sa 346 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:46 madaling araw ng Martes (July 14) at may lalim na 43 kilometers.
Sumunod na naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 364 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, ala-1:30 ng madaling araw at may lalim na 15 kilometers.
At magnitude 3.6 ang ikatlong naitalang pagyanig sa 264 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-2:07 ng madaling araw at may lalim na 56 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.