COVID-19 cases sa Mandaluyong City, umabot na sa 1,128

Napaulat ang siyam pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (July 13), 1,128 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa 1,128, 288 ang aktibong kaso.

154 ang itinuturing na probable cases habang 691 ang suspected cases kung saan 4,135 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng pito ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 768 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

72 namang residente ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...