Pasok sa Gobyerno at SC kahapon, kinansela dahil sa bagyong Egay

orangeSinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa lahat ng mga tanggapan ng Gobyerno sa National Capital Region Lunes ng hapon.

Ito’y bunga na rin ng inaasahang mga pag-ulan pa rin sa kalakhang Maynila at ang posibleng baha na idulot ng bagyo.

Bukod dito, isinasaad din ng inilabas na Memorandum Circular number 77 ng Palasyo, kinansela rin ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa kalakhang Maynila.

Alas 2:30 naman ng hapon ng Lunes, nagdesisyon ang Korte Suprema na pahintulutan nang umuwi ang mga empleyado ng Supreme Court at Court of Appeals. – Alvin Barcelona/Jay Dones

 

Read more...