Isa pang COVID-19 case, naitala sa Bicol

Nakapagtala ng isa pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Ayon sa DOH CHD-Bicol, ang bagong COVID-19 patient ay isang 65-anyos na lalaki mula sa Camalig, Albay.

Dumating ang pasyente sa Bicol mula Maynila noong July 9.

Asymptomatic naman ang pasyente at nananatili na sa quarantine facility.

Dahil dito, umabot na sa 228 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.

Sa nasabing bilang, 128 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

101 ang nakasailalim sa quarantine at 27 ang naka-admit sa mga pagamutan.

Nanatili naman sa 93 ang bilang ng naka-recover habang pito ang nasawi.

Read more...