Tropical Depression Carina, bahagyang bumilis; Signal no. 1, nakataas pa rin sa ilang lugar

By Angellic Jordan July 14, 2020 - 12:46 AM

Bahagyang bumilis ang Tropical Depression Carina habang tinatahak ang bahagi Batanes, ayon sa PAGASA.

Batay sa severe weather bulletin bandang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 195 kilometers Northeast ng Aparri, Cagayan o 170 kilometers Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan bandang 10:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Tinatahak na nito ang direksyong pa-Hilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes
– Babuyan Islands
– northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)

Sinabi ng PAGASA na sa Lunes ng gabi hanggang Martes ng hapon, July 14, magdudulot ang bagyo ng kalat-kalat na may katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Batanes, northern portion ng Cagayan kabilang Babuyan Islands, Ilocos Region, Apayao, at Abra.

Mararanas pa rin ang kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan sa nalalabing parte ng Northern Luzon.

Sinabi pa ng weather bureau na magiging malakas ang alon sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon at sa eastern seaboard ng Central Luzon sa susunod na 24 oras.

Dahil dito, pinayuhan ang mga maliliit na sasakyang-pandagat na huwag munang pumalaot.

Inaasahang hihina ang bagyo at magiging low pressure area (LPA) na lamang sa araw ng Miyerkules, July 15.

TAGS: breaking news, Carina, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update July 13, breaking news, Carina, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update July 13

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.