P348,000 halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City; 2 timbog

Arestado ang dalawang drug personality sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Lunes ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Pasil bandang 10:47 ng umaga.

Nahuli sa operasyon ang mga suspek na sina Januario Mier, 28-anyos; at Marvin Mendoza, 24-anyos, kapwa residente ng Barangay Pasil.

Nakuha sa dalawa ang 47 packs ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 51.25 gramo at nagkakahalaga ng P348,500.

Nakumpiska rin ang 10 walang laman na plastic sachet, isang itim na pouch, dalawang improvised plastic scooper, P580 cash, at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

Read more...