Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 3,917
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (July 13, 3:00 PM) nakapagtala ng 221 na bagong kaso kaya pumalo na sa 3,917 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 890
Laguna – 1,315
Batangas – 467
Rizal – 1044
Quezon – 201
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 2,054.
Nasa 1,622 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 25 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 262
Laguna – 541
Batangas – 232
Rizal – 432
Quezon – 155
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 13 kaya umabot na ito sa 241.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 50
Laguna – 55
Batangas – 34
Rizal – 90
Quezon – 12
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.