Isa pang security staff sa Kamara, positibo sa COVID-19

Inquirer file photo

Nakapagtala ng isa pang kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, miyembro ng security staff ang ika-14 na kaso ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Huling pumasok sa kanyang rotational duty sa Batasang Pambansa Complex ang nasabing security personnel noong June 14.

June 29 ang huling araw na pumunta ang security staff sa Kamara para kunin ang sahod.

Kasalukuyang naka-home quarantine ang security staff.

Muling pinaalalahan ni Montales ang lahat lalo na ang mga kawani ng Mababang Kapulungan na magdoble ingat lalo’t mas nahaharap sa mas malaking banta na mahawaan ng COVID-19 ang mga tao bunsod na rin sa pagluwag ng travel restrictions at pagbubukas ng ekonomiya.

Read more...