Tropical Depression Carina, napanatili ang lakas; Signal no. 1, nakataas pa rin ang ilang lugar

Napanatili ang lakas ng Tropical Depression Carina, ayon sa PAGASA.

Batay sa severe weather bulletin bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 165 kilometers Silangang bahagi ng Aparri, Cagayan bandang 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes
– Babuyan Islands
– northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Lal-lo, Gattaran, at Baggao)

Sinabi ng PAGASA na magdudulot ang bagyo ng kalat-kalat na may katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, at Ilocos Norte.

Mararanas naman ang kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan sa Central Luzon at nalalabing parte ng Northern Luzon.

Sinabi pa ng weather bureau na magiging malakas ang alon sa northern at eastern seaboards ng Luzon sa susunod na 24 oras.

Dahil dito, pinayuhan ang mga maliliit na sasakyang-pandagat na huwag munang pumalaot.

Inaasahang hihina ang bagyo at magiging low pressure area (LPA) na lamang sa araw ng Miyerkules, July 15.

Read more...