Naglabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Cagayan.
Sa abiso bandang 5:00 ng hapon, ito ay dulot ng Tropical Depression Carina.
Itinaas ang yellow warning sa Cagayan partikular sa bahagi ng Abulug, Aparri, Ballesteros, Buguey, Camalanuigan, Claveria, Gonzaga, Lallo, Pamplona, Santa Ana, Santa Teresita, Santa Praxedes at Sanchez Mira.
Ibig-sabihin, maaaring makaranas ng pagbaha sa ilang mabababang lugar sa nasabing probinsya.
Samantala, sinabi ng PAGASA na asahan ang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Abra (Lacub, Malibcong at Tineg); Apayao; Cagayan Islands; Cagayan (Allacapan, Alcala, Amulung, Baggao, Enrile, Gattaran, Iguig, Lasam, Peñablanca, Piat, Rizal, Santo Niño, Solana, Tuao at Tuguegarao City).
Apektado rin ng nasabing lagay ng panahon ang IlocosNorte (Adams, Burgos, Bangui, Dumalneg at Pagudpud); Isabela (Cabagan, Delfin Albano, Divilacan, Maconacon, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas at Tumauini); Kalinga (Balbalan, Pasil, Pinukpuk, Rizal at Tabuk City).
Sinabi ng PAGASA na mararanasan ang nasabing lagay ng panahon sa mga nabanggit na lugar sa susunod na isa hanggang dalawang araw.
Kaya naman payo ng PAGASA, tutukan ang pinakahuling update sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.