outbrain

Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad sa Martes (July 14)

By Angellic Jordan July 13, 2020 - 04:42 PM

Magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, July 14.

Sa abiso ng kumpanyang Shell, Seaoil, Flying V, Chevron Philippines Inc. (Caltex), PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total, Petro Gazz at Cleanfuel, may dagdag na P0.30 sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.65 naman sa kada litro ng gasolina.

Sinabi naman ng Shell, Seaoil, Flying V at Caltex na tataas ng P0.40 ang kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Mauunang magpatupad ng oil price hike ang Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (July 14).

Kapwa epektibo naman ang oil price adjustment ng Shell, Seaoil, Flying V, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total, Petro Gazz simula 6:00 ng umaga.

Dakong 4:01 ng hapon naman tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, oil price hike, Radyo Inquirer news, taas-presyo sa gasolina, BUsiness, Inquirer News, oil price hike, Radyo Inquirer news, taas-presyo sa gasolina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.