Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 474

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Lunes, July 13) pumalo na sa 474 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 12 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 171 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.

Nanatili sa 271 ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Read more...