Mga guro sa pribadong paaralan, dapat bigyan ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan 2

By Erwin Aguilon July 13, 2020 - 03:38 PM

Pinabibigyan ni Deputy Speaker Mikee Romero ng one-time assistance ang mga empleyado sa pribadong paaralan na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Hinimok nito ang Kamara na isama ang naturang tulong-pinansyal sa Bayanihan 2 o We Recover as One Law.

Ayon kay Romero, dapat tumanggap rin ang private school personnel ng P5,000 hanggang P8,000 o katumbas ng ipinagkaloob sa low-income families, depende kung nasaang rehiyon sila.

Ipinunto ng kongresista na hindi gaya sa public schools, walang kita ang mga guro sa mga pribadong paaralan hangga’t hindi nagbubukas ang klase sa Agosto.

Kung tumanggap na aniya ng ayuda ang private school employees sa ilalim ng Bayanihan 1, pwedeng hindi na ito isama sa Bayanihan 2.

Hiniling ng mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) na tukuyin ang potential beneficiaries.

TAGS: Bayanihan 2, COVID-19 effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Mikee Romero, Bayanihan 2, COVID-19 effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Mikee Romero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.