outbrain

10 senior generals inirekomenda na posibleng susunod na AFP chief

By Jan Escosio July 13, 2020 - 12:59 PM

Naisumite na ng Board of Generals ang 10 pangalan ng senior generals na maaring mapagpilian ni Pangulong Duterte na ipapalit kay retiring AFP Chief of Staff Felimon Santos Jr.

Sinabi ni Maj. Gen. Edgard Arevalo, ang tagapagsalita ng AFP, nasa listahan ang Major Service commanders, Unified command chiefs at tatlong three-star generals na nakabase sa Camp Aguinaldo.

Ipinadala ang listahan ng Department of National Defense noong nakaraang linggo.

Sasapit ang ika-56 kaarawan ni Santos sa darating na Agosto 4.

Miyembro siya ng PMA Class of 1986 at siya ang ika-53 namuno sa AFP simula noong Enero 4.

Ayon pa kay Arevalo depende na kay Pangulong Duterte kung palalawigin sa posisyon si Santos lalo na ngayon may matinding pandemiya sa bansa.

 

TAGS: AFP, Inquirer News, new afp chief, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP, Inquirer News, new afp chief, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.