Backrider shield sa motorsiklo, walang silbi ayon kay Gov. Remulla

By Jan Escosio July 13, 2020 - 12:54 PM

Nagpa-abot ng mensahe si Cavite Governor Jonvic Remulla sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa disenyo ng backrider shield sa mga motorsiklo.

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan muna ni Remulla ang IATF sa inilabas na polisiya ukol sa magkasamang pagsakay ng mag-asawa sa motorsiklo.

Sa kabilang banda, sinabi ng opisyal na kung sino man ang nag-disenyo ng backrider shield ay maaring kailanman ay hindi pa sumakay ng motorsiklo.

Diin ni Remulla, delikado, perwisyo at higit sa lahat aniya, walang silbi ang shield.

Hinanapan niya ng magandang katuwiran ang paggamit sa shield ng magka-angkas na magkasama naman sa bahay.

Dapat aniya sapat na ang jacket, face mask, helmet at couple’s pass mula sa barangay.

 

 

 

TAGS: backrider shield, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, gov remulla, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, backrider shield, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, gov remulla, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.