Mabilis na swab testing sa mga tauhan ng MRT-3 dahilan ng pagbabalik operasyon ng tren – DOTr

Iginiit ng Department of Transportation na ang mabilis at efficient na testing sa mga kawani ng MRT-3 ang dahilan kung bakit naibalik kaagad ang operasyon nito.

Sabi ng DOTr, sa pagtutulungan ng National Task Force at MRT-3 management muling tumakbo ang mga tren nito bagama’t sa limitadong kapasidad lamang.

Giit ng ahensya, “The NTF has been assisting the rail line to speed up the processing and release of the RT-PCR test results to enable MRT-3 to resume operations, at reduced capacity, at the soonest possible time”.

Kabilang sa hakbang ng MRT-3 para mapangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at ng publiko ay ang swab test na isnagawa ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Philippine Red Cross.

Nabatid na sa mahigit 3,200 workforce ng MRT-3 nasa 1,300 personnel ang pinayagag makapagsok upang magpatuloy ang operasyon ng tren.

Hanggang nitong weekend, kabuuang 1,093 depot personnel at 1,010 station personnel ang nag negatibo sa COVID-19.

Kabuuang 281 naman na MRT-3 depot at station personnel na kinabibilangan ng mga tauhan ng maintenance provider na Sumitomo ang nagpositibo sa sakit na kasalukuyang nasa government quarantine facilities sa World Trade Center, Philippine Arena at PhilSports Arena.

Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito para isalalim rin sa pagsususri at ang lalabas na postibo ay ilalagay sa mga quarantine facility ng gobyerno.

Ngayong araw nagbalik operasyon ang MRT-3 kung saan 14 na train sets ang bumiyahe kabilang na ang 2 Dalian train sets simula alas singko y medya ng umaga kanina.

Alas kwatro naman ng umaga nang bumiyahe ang 90 bus na kabilang sa MRT-3 Bus Augmentation Program.

Kasabay naman ng pagbabalik operasyon ng MRT-3 ay namahagi ng health declaration form sa mga pasahero bilang bahagi ng ginagawang contact tracing gayundin upang lalong paigtingin ang health at safety measures para sa mga pasahero.

 

 

Read more...