Pagpapalit ng pangalan ng NAIA ipinaubaya sa mga mambabatas
Ipinauubaya na ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga mambabatas ang pagpapalit ng pangalan sa Ninoy Aquino International Airport sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Monreal na ang mga mambabatas ang higit na nakakaalam sa kung ano ang nababagay na pangalan sa NAIA.
Nakahanda aniya ang kanilang hanay na tumalima sa kung ano ang gagawin ng mga kinauukulan.
Sa ngayon, mahigpit na seguridad aniya ang ipinatutupad sa paliparan para masiguro na hindi kakalat ang sakit na COVID-19.
“No face mask no entry” aniya ang pinaiiral sa airport at ipinatutupad pa rin ang social distancing.
Umaapela si Monreal sa publiko na iwasan na ang pagtungo sa mga airport kung walang ticket at at walang naka schedule na flight para hindi na maipon ang tao.
Walang nakikitang pangangailangan si Monreal na magpatupad ng lockdown dahil sila ang tutugon sa mga pangangailangan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.