Sa abiso ng MRT-3, bawal ang pagsagot ng digital devices gaya ng cellphone at bawal din ang pagsasalita sa loob ng tren.
Ito ay upang maiwasan ang posibleng pagkalat at pagkahawa ng virus sa mga commuter.
Paalala ng MRT-3, maaaring maging sanhi ng pagkahawa sa virus ang respiratory droplets na nanggagaling sa pagsasalita, pag-ubo at pagbahing kaya’t pinapaalalahanan din ang mga pasahero na panatilihing nakasuot ang face mask.
Magkakaroon na rin ng contact tracing sa mga pasahero, kung saan ay magbibigay ng health declaration forms ang MRT-3 sa mga pasahero.
Ibibigay ang form sa mga pasahero habang sila ay nakapila at bago pumasok sa turnstile area sa loob ng istasyon ng tren.