LOOK: Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP sa Cebu City

Inumpisaha na ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa Cebu City.

Tinipon ng mga tauhan ng DSWD Region 7 ang mga target na benepisyaryo sa isang covered court sa Brgy. Guadalupe.

Ayon sa DSWD Region 7, tinatayang 146 ang target na mapagkalooban ng 2nd tranche ng SAP ngayong araw.

Naglagay ng mga upuan sa covered court na mayroong maayos na social distancing para sa mga nakapilang residente.

Sa iba pang bahagi ng bansa ay nag-umpisahan na rin ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP.

 

 

Read more...