outbrain

Mahigit 14,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2020 - 10:22 AM

Ngayong araw July 13 mayroong mahigit 14,000 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroong 14,421 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 43,000 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong June 12 hanggang July 7.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na http://bit.ly/3gPb3I8

Ang masterlist naman ng mga nag-negatibong OF ay pwedeng maktia sa link na ito https://bit.ly/2Z2ThLm

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

TAGS: coast guard, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, negative, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, negative, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.