BREAKING: DOH nakapagtala ng 2,124 na dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa; COVID-19 cases 56,259 na

Nakapagtala ng 2,124 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).

Ito ay batay sa datos na inilabas ng DOH ngayong umaga, na dapat ay kahapon nailabas.

Dahil dito, umakyat na sa 56,259 ang total confimed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa 2,124 na dagdag na kaso, 918 ang fresh cases habang 469 ang late cases.

Nakapagtala din ang DOH ng 162 na dagdag na nasawi sa sakit.

Dahil dito umabot na sa 1,534 ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, sa 162 na panibagong nasawi, 51 ang mga nasawi ngayong buwan ng Hulyo habang ang iba ay late na nai-report at pawang mga nasawi noong Abril, Mayo at Hunyo.

Nakapagtala naman ng 2,009 na bagong recoveries kaya umabot na sa 16,046 ang gumaling sa sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang mataas na bilang ng kaso, nasawi at recoveries ay dahil sa reconciliation efforts ng DOH katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Nakipag-ugnayan aniya ang DOH sa mga LGU para sa mas maayos na reporting ng mga datos.

Ani Vergeire inaasahan na sa mga susunod na araw ay makapagtatala pa ng pagtaas ng kaso dahil sa mas mabilis na pagu-ulat ng datos.

 

 

Read more...