outbrain

16,000 katao naloko ng scam sa Facebook na gumagamit sa pangalan ni Pasig City Mayor Vico Sotto

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2020 - 08:39 AM

Pinag-iingat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko sa scam sa Facebook na gumagamit sa kaniyang pangalan.

Ayon kay Sotto, nasa 16,000 na katao na ang naloko ng nasabing scam,

Sa nasabing scam ginamit ang pangalan ng alkalde sa isang nilikhang Facebook account at hinihikayat ang publiko na mag-subscribe at mag-register para sa tsansang manalo ng motorsiklo.

Paalala ni Sotto maging mapanuri sa social media at huwag basta-basta agad maniniwala.

 

 

TAGS: Inquirer News, Mayor Vico Sotto, News in the Philippines, pasig, Radyo Inquirer, scam alert, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Mayor Vico Sotto, News in the Philippines, pasig, Radyo Inquirer, scam alert, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.