Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Carina ay huling namataan sa layong 275 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Napanatili nito ang taglay na lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northeastern portion ng Cagayan kabilang ang Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, eastern Lal-lo, eastern Gattaran, at eastern Baggao.
Ngayong araw, ang bagyong Carina ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Babuyan Islands at eastern section ng mainland Cagayan at Isabela.
Mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, at sa northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.
Sa Miyerkules sinabi ng PAGASA na inaasahang hihina at magiging isang Low Pressure Area na lamang muli ang bagyo.