Water level ng angat dam nasa 186.15 meters na lang

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2020 - 08:09 AM

Nabawasan pa ri sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, July 13 ay 186.15 meters ang water level ng dam.

Malayo ito sa normal high water level ng dam na 210 meters.

Ang Ipo dam naman ay nabawasan din at ngayon ay nasa 99l.30 meters ang antas ng tubig.

Bahagya namang nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.36 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat dams.

Habang nadagdagdan naman ang water level ng San Roque at Caliraya dams.

 

 

TAGS: Angat Dam, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Angat Dam, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.