Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon patuloy na uulanin
Magpapatuloy ang pag-ulang nararanasan sa ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 7:22 ngayong umaga ng Lunes,(July 13) ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Zambales sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay naman na ng panahon ang nararanasan sa Laguna, Batangas at Bataan.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Ang malakas na buhos ng ulan na nararanasan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.