Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 236 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 12,114 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,546 ang aktibong kaso at mayroong 543 na nasawi.
Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 75 dahilan para umabot na sa 5,025 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,439 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,039
Mandaue City – 1,276
Lapu-Lapu City – 1251
Negros Oriental – 63
Bohol – 46
Siquior – 0