Mahigit 300 katao naaresto sa Maynila sa loob lang ng 2 araw dahil sa hindi pagsusuot ng face mask
Umabot sa 309 ang naaresto ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa face mask ordinance ng lungsod mula lamang Hulyo 10 hanggang Hulyo 11.
Ayon sa datos ng MPD, 98 ay nahuli ay galing sa nasasakupan ng Station 11; habang 87 naman ang nahuli ng Station 3 at 55 sa Station 2.
Samantala, ang natitirang 240 na indibidwal na naaresto ay galing sa iba’t ibang presinto gaya ng Station 1, 4, 6, 7, 8, at 10.
Sa ilalim ng Ordinance No. 8627, lahat ay dapat magsuot ng face mask sa lahat ng oras bilang proteksyon sa sakit na COVID1-9.
Ang sinumang lumabag dito ay maaari magbayad ng P1,000 sa unang opensa, P2,000 sa pangalawa, at P5,000 sa pangatlo.
May pagkakakulong din para sa mahuhuli sa pangatlong beses at sa mga susunod na pagkakataon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.