outbrain

DOH walang inilabas na COVID-19 count kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2020 - 05:10 AM

Hindi nakapaglabas ng daily COVID-19 case bulletin ang Department of Health (DOH), kahapon araw ng Linggo (July 12).

Unang sinabi ng DOH na alas 7:30 ng gabi nito ilalabas ang report na kadalasang inilalabas ng alas 4:00 ng hapon.

Pero bago mag-hatinggabi, inanunsyo ng DOH na hindi na ito maglalabas ng datos para sa araw ng Linggo dahil nagsasagawa pa ito ng pag-validate sa mga datos.

Binanggit na dahilan ng DOH ang mataas na datos na nakalap kahapon.

Resulta umano ito ng mas pinaayos na data gathering sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Hanggang hatinggabi sinabi ng DOH na patuloy sa pagproseso at pag-validate ng datos ang DOH Data Team.

Sinabi ng DOH na ngayong Lunes (July 13) alas 8:30 ng umaga inaasahan na mailalabas sa publiko ang komprehensibong ulat.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, daily covid 10 report, department of health, doh, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, no covid data released, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, daily covid 10 report, department of health, doh, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, no covid data released, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.