MRT-3 balik-operasyon na ngayong araw
Matapos na ang linggong tigil-operasyon, balik serbisyo na ngayong araw ang mga tren ng Metro Rail Transit – 3.
Ayon sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, labingapat na train sets kabilang ang 12 CKD train sets at 2 DAlian train sets ang inaasahang tatakbo sa linya ngayong maghapon.
Alas 5:30 ng umaga ay bumiyahe na ang unang tren ng MRT-3 mula sa North Avenue Station.
Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na ms paiigitingin ang implementasyon ng health and safety measures upang masigurong ligtas ang mga empleyado at mga pasahero nito.
Magsusuot ng full personal protective equipment (PPE), na mayroong face masks, face shields, gloves at gowns, ang lahat ng station personnel upang maiwasan ang pagkalat at pagkahawa sa COVID-19.
Magkakaroon na rin ng contact tracing sa mga pasahero, kung saan ay magbibigay ng health declaration forms ang MRT-3 sa mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.