Batangas at Bataan nakararanas ng malakas na pag-ulan – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2020 - 05:20 AM

Nakararanas ng malakas na pag-ulan sa Bataan at Batangas.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 5:13 ngayong umaga (July 13) ang malakas hanggang sa matinding na pag-ulan ang mararanasan sa dalawang lalawigan sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Las Pinas, Paranaque, at Muntinlupa; mga bayan ng Lumban, Santa Cruz, at Pagsanjan sa Laguna at sa lalawigan ng Cavite.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan na nararanasan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

TAGS: bataan, Batangas, Pagasa, thunderstorm advisory, weather, bataan, Batangas, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.