Calayan, Cagayan niyanig ng magkasunod na magnitude 3.3 at 3.2 na lindol
Magkasunod na pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 67 kilometers northwest ng bayan ng Calayan, ala-1:27 madaling araw ng Lunes (July 13) at may lalim na 13 kilometers.
Sumunod na naitala ang magnitude 3.2 na pagyanig sa 70 kilometers northwest ng bayan ng Calayan, ala-1:39 madaling araw ng Lunes (July 13) at may lalim na 5 kilometers
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.